Tag Archive: Tagalog


Pagkakuntento

Iniisip ko kung ano ang kaibahan

Sa pagitan ng

Bago at lumang kasuotan

Mamahalin at masarap na pagkain at simpleng pagkain

Malaki’t magarang tirahan at kubong tagpi-tagpi lang

Mataas at mababang posisyon sa pinagtatrabahuhan

Pagkakaroon ng di mabilang na mga kaibigan at kapag nag-iisa ka lang

Bantog at di-kilalang katayuan sa lipunan

Pagkakaroon ng mataas na pinag-aralan at kawalang pinag-aralan

Katayuang ikaw ang pinaglilingkuran at katayuang ikaw ang naglilingkod.

Sa pagitan ng

Mayaman at mahirap.

 

Naranasan ko kapwa ang

Mapasa-itaas at

Mapasa-ibaba

At napaghulo kong ang kaibhan lang

Ay ang dulot na mabuting pakiramdam

Na panlupa’t pansamantala lang.

 

Ang sagana at salat ay kapwa rin naman nahihirapan

Kapag nakadena sa banig ng karamdaman.

Ang sagana at salat ay kapwa rin naman lilisan,

Babalik sa iisang alabok na pinagmulan.

small pink flowers

  Small pink flowers from Mama’s little garden

 

Not that I speak in respect of want: for I have learned, in whatsoever state I am, therewith to be content.

~PHILIPPIANS 4:11

Awit 103:1-5, KJV

 YF keychain and KJV Bible

Purihin mo ang PANGINOON, O kaluluwa ko: at ang kalahat-lahatan ko, purihin mo ang kanyang banal na pangalan.

Purihin mo ang PANGINOON, O kaluluwa ko, at huwag kalimutan ang lahat ng kanyang mga biyaya:

Na siyang nagpapatawad ng lahat ng iyong mga katampalasanan; na siyang nagpapagaling ng lahat ng iyong mga karamdaman;

Na siyang nagliligtas sa iyong buhay mula sa kamatayan; na siyang nagpuputong sa iyo ng kabutihang-loob at mapagkalingang habag;

Na siyang nagpupuno sa iyong buhay ng mga mabubuting bagay; kung kaya’t ang kabataan mo ay napapanariwa na tulad ng sa agila.

 

~Awit 103:1-5, sariling salin batay sa King James Version ng Biblia

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.