Iniisip ko kung ano ang kaibahan
Sa pagitan ng
Bago at lumang kasuotan
Mamahalin at masarap na pagkain at simpleng pagkain
Malaki’t magarang tirahan at kubong tagpi-tagpi lang
Mataas at mababang posisyon sa pinagtatrabahuhan
Pagkakaroon ng di mabilang na mga kaibigan at kapag nag-iisa ka lang
Bantog at di-kilalang katayuan sa lipunan
Pagkakaroon ng mataas na pinag-aralan at kawalang pinag-aralan
Katayuang ikaw ang pinaglilingkuran at katayuang ikaw ang naglilingkod.
Sa pagitan ng
Mayaman at mahirap.
Naranasan ko kapwa ang
Mapasa-itaas at
Mapasa-ibaba
At napaghulo kong ang kaibhan lang
Ay ang dulot na mabuting pakiramdam
Na panlupa’t pansamantala lang.
Ang sagana at salat ay kapwa rin naman nahihirapan
Kapag nakadena sa banig ng karamdaman.
Ang sagana at salat ay kapwa rin naman lilisan,
Babalik sa iisang alabok na pinagmulan.

Small pink flowers from Mama’s little garden
Not that I speak in respect of want: for I have learned, in whatsoever state I am, therewith to be content.
~PHILIPPIANS 4:11