
Purihin mo ang PANGINOON, O kaluluwa ko: at ang kalahat-lahatan ko, purihin mo ang kanyang banal na pangalan.
Purihin mo ang PANGINOON, O kaluluwa ko, at huwag kalimutan ang lahat ng kanyang mga biyaya:
Na siyang nagpapatawad ng lahat ng iyong mga katampalasanan; na siyang nagpapagaling ng lahat ng iyong mga karamdaman;
Na siyang nagliligtas sa iyong buhay mula sa kamatayan; na siyang nagpuputong sa iyo ng kabutihang-loob at mapagkalingang habag;
Na siyang nagpupuno sa iyong buhay ng mga mabubuting bagay; kung kaya’t ang kabataan mo ay napapanariwa na tulad ng sa agila.
~Awit 103:1-5, sariling salin batay sa King James Version ng Biblia
